Thursday, October 9, 2014

Pagtaas ng Batayan ng Cavite State University sa pagtanggap ng mga scholars



Pagtaas nang Batayan ng Cavite State University ng Pagkuha at Pagtanggap ng mga Scholars





Cavite State University ay isang kahanga-hangang Unibersidad na kilala ngayon sa Metro Manila. Hindi lang dahil sa matagal na panahon nitong pagkabuo ngunit dahil narin sa kalagayan at pinagmulan nito. Nagsimula ang Cavite State University noong taong 1906 na pinangalang “Indang Intermediate School”.Ang mga Amerikano (Thomasites) ang nagsilbing unang mga guro. Paglipas nang mga panahon ang “Indang Intermediate School ay napalitan ng ilan pang mga pangalan katulad nang Indang Farm School at Indang Rural High School hanggang sa naging Don Severino National Agricultural School noong 1958 kung saan nagbigay ito nang tanda sa naturang paaralan . Isinunod ito sa pangalan ni Don Severino biglang pagbibigay kilala sa kanya dahil sa pag bigay nya nang lupain na ngayon ay isang ganap nang kilalang paaralan sa buong Cavite, at dati siyang naging kanang kamay sa Aguinaldo Revolutionary Government.


            Ngayon, dahil sa pagkilala sa Republic Act No. 3917 kung saan isa nang ganap na “ State College” ang Don Severino Nationnal Agricultural College (DSAC) Sa pagsisimula ng pagbuo dito bilang “State College” may ilang programang inilabas ang paaralan katulad ng kurso sa Agrikultura at Pagsasanay sa pagtuturo sa Edukasyon sa Agrikultura. Ngunit dahil sa kahilingan ng mga magulang at sa sagot sa hamon ng proyekto nang CALABARZON nadagdagan ang mga programang ibinibigay ng Sining at Agham, Edukasyon, at Sining at Teknolohiya noong 1992, Ngunit dahil sa di matawarang kakayahan at mga nakamit binigyan ng pagkilala ng Kagawaran ng Edukasyon ang paaralan upang maging Regional College of Agriculture.


            Noong Ika-22 ng Enero , 1998 para sa kaganapan ng Republic Act No. 8468. Ang Don Severino National Agricultural College o kilala sa tawag na DSAC ay pinalitan na nang “Cavite State University” kung saan mas kilala ito ngayon. Dahil sa matagumpay nitong paglago sa larangan ng Edukasyon una itong pinagkalooban ng apat na Branch Campus ang Naic, Cavite City, at sa Rosario. Paglipas nang buwan ay pinahintulutan din silang maglagay nang iba pang branch sa Carmona, Trece Martirez. At ang pinakahuling mga naaprobahan ang Silang Campus at ang Tanza Campus.
Sanggunian (CvSU Student Handbook, CvSU Website)

Sa paglipas nang panahon nananatili ang Cavite State University sa pagpapatunay at pagtupad sa kanyang gampanin . Kagapay ng hangarin at ang Kakayanan nito.

Mission
Cavite State University shall provide excellent, equitable, and relevant educational opportunities in the arts, sciences and technology through quality instruction and responsive research and development activities.
It shall produce professional, skilled and morally upright individuals for global competitiveness.


Vision
The premier University in historic Cavite recognized for excellence in the evelopment of globally competitive and morally upright individuals.



            Isang malaking hamon sa Unibersidad ang pagkakaroon nang isang mabigat na posisyon sa isang lugar, kailangang makapaglabas at makagawa nang isang produktibong mga mag-aaral na siyang aagapay sa unibersidad. Hindi maikakailang napakaraming magagaling, mahuhusay na mga estudyante ang CvSU ngunit lahat ng unibersidad ay nagkakaroon nang hindi pagkakaunawaan at problema sa loob nang Universidad.


Meron tayong mga Scholars na kapita-pitagan, mga estudyanteng isinasaalang –alang ang lahat para sa ikabubuti nang kanilang mga grado, ngunit tama nga lang bang taasan ang batayan sa pagkuha nang mga Scholars ? Isang malaking dagok para sa mga scholars ang naganap na pagtaas nang batayan , narito ang talaan nang dati at ang kasalukuyan.


DATI                                      NGAYON

Cum Laude-                                      GPA 1.51 – 1.75                   GPA 1.46-1.70every grades- 2.25
           
Suma cum Laude-                            GPA 1.25-below                  gpa  1.25- below every grades – 2.25

Magna cum Laude-                          GPA 1.26- 1.50                     GPA 1.26- 1.45

Academic Scholars-                         GPA 1.45- 1.75                     GPA 1.45-1.75         
For particial and full                                                                     

Organization Scholars-                   GPA 2.00 – 3.00                   GPA 2.00-3.00


Mapapansin nating nagtaas lang naman ito ng higit .5 na punto ngunit kung tutuusin ay napakalaking bagay parin ito sa mga estudyante.Karamihan sa mga scholars ay may payak lamang na pamumuhay at halos sila pa nga ang nagpapa-aral sa kanilang sarili dahil sa kakulangan sa pinansyal. Ang iba ay halos hindi na makapasok sa kanilang mga asignatura para lamang makapagtrabaho muna pang suporta sa kanilang pag-aaral. Isa akong patunay dito, dahil karamihan sa mga kaibigan ko ay Part time na nga , Academic scholar pa .


Kahanga-hanga at pambihirang kakayahan ng isang estudyanteng may dedikasyon sa pag-aaral. Ngunit masakit mang isipin natanggal din siya sa Academic scholarship dahil narin sa nagbago na nga ang batayan naging unfair pa ang ibang mga Instructor at Professors, hindi ko ito sinasabi upang siraan ang aking pinakamamahal na Unibersidad ngunit upang ipamulat sa inyo ang epekto nang mga nangyayari sa mga estudyante. Kadalasan ay nagiging mahigpit ang mga professor na sadyang tama talaga para narin sa pagdisiplina ngunit wag naman sana ibaling sa lahat ang galit para sa iilang estudyante. Kung tutuusin ay wala namang kasalanan ang aking kaibigan at nagpasa siya nang proyekto tatlong araw bago ang deadline ngunit nadamay siya sa galit na kung tutuusin ay dapat lamang sa mga estudyanteng walang disiplina sa sarili.
           

  Tama nga ba ang sistema ? tama nga ba ang panggigipit? Pasensya na sa aking terminolohiya ngunit ito lang ang gusto kong ipakita at ipalarawan .  Hindi dahil isa tayong Unibersidad ay kailangan na nating maki level sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), Polytechnic University Of the Philippines (PUP), University of the East. Tandaan, tayo mismo ang gumagawa nang ating impresyon at tatak sa iba pang mga Unibersidad. Bakit hindi natin gawing “One Step at a time”? Wag naman nating biglain ang mga estudyante. Kung tumaas man sana bigyan ng pansin nang mga Professor ang paghihirap nang mga estudyante hindi dapat pinipersonal.
          
  Hindi lang ang kaibigan ko ang gusto kong gawing halimbawa. Isa rin akong Scholar ng Organisasyon sa Unibersidad hindi man ako naaapektohan nang pagtaas nang batayan ngunit gusto ko rin sana maging Academic Scholar pero dahil takot akong baka nga maapektuhan ako kapag naging isa na ko sa kanila. Mahal din naman kase ang Organisasyon ko ngunit, hindi ako kampante sa kinalalagyan ko .Gustuhin ko man na maging Scholar ng bayan takot ako, isang masakit at nakakahiyang katotohanan.
           

Lunasan natin ang problema. Una sa lahat nais ko sanang sabihing “Kapwa ko kabsuHENYO ‘Globally Competitive’ tayo.” Dahil nabago na ang batayan gawin nalang natin ang lahat upang mapaunlad at makasabay sa bago, kahit na 1.46 na ang GPA mo at isang puntos nalang Scholar na tanggapin mo na kulang ka parin nang isang puntos better luck next time nalang. Para sa mga professor na mataas ang standard sa aming mga mag-aaral, kaya naman po namin wag niyo lang po kami i-pressure kayo man po ang huhusga kung karapat-dapat kami sa scholarship pero sana po maging fair po tayo.

Sanggunian:  CvSU Official website
                        CvSU Student Handbook
                        CvSU Scholars


No comments:

Post a Comment